Sa kabila ng kabi-kabilang pagtutol, nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na itutuloy pa rin nito ang dry run ng ban sa provincial buses sa EDSA bukas, August 7.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, ito’y dahil hindi pa sila inaatasan ng korte na itigil ang naturang ban, sa kabila ng inilabas na preliminary injunction ng isang mababang hukuman.
Nakasaad sa ni-release ng preliminary injunction order ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 223, pinahihinto nito ang implementasyon ng memorandum circular ng LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) na nagpapabago sa ruta ng provincial buses at pagba-ban sa mga ito sa EDSA.
Kung maaalala, ito ang pinagbasehan ng MMDA sa panukalang provincial bus ban.
“Since we haven’t received the writ of PI (Preliminary Injunction), we will push through with the dry run,” ani Pialago.