-- Advertisements --
Mariing itinanggi ng Amnesty International na pinupolitika nila ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga katulad ng sinasabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo.
Ayon kay Amnesty Philippines section director Butch Olano, walang political agenda ang kanilang grupo dahil sila ay non-partisan human rights group.
Kaya kung magsagawa man daw sila ng kanilang research at pag-aaral, ito ay walang halong pamumolitika.
Sa isang statement, hinimok ni Olano si Panelo na gawin ang trabaho nito dahil ang data sa kanilang report ay nagmula mismo sa PNP.
Kanya ring sinisingil ang Duterte administration sa reports hinggil sa kampanya ng pamahalaan na aniyay hanggang sa ngayon ay hindi pa nailalabas.