Patay ang isang drug personality sa ikinasang buybust operations sa Barangay Tamo, Paranaque City, matapos manlaban sa mga operatiba.

Sa report na inilabas ng Southern Polcie District (SPD), nagsagawa ng operasyon ang Drug Enforcement Unit ng Paranaque Police laban sa isang drug personality na kabilang sa drug watch list.

Nakilala ang napatay na suspek na si a.k.a Tatay Ponso na nagbenta ng dalawang piraso ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.00 sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer pero ng mapansin na pulis ang kaniyang nabentahan ay agad nito pinaputok ang kaniyang caliber .38 pistol kay PO1 Angelo Acaylar.

Pero dahil sa ricochet ng bala, tinamaan si PO1 Dominic Enguio na siyang back up personnel ni PO1 Acaylar.

Agad naman binigyan ng paunang panlunas ng Barangay Tambo medical unit ang sugatang pulis.

Narekober sa crime scene ang isang caliber .38 revolver.

Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng Paranaque Police ang insidente.