CENTRAL MINDANAO- Patay ang isang drug pusher nang manlaban sa mga otoridad sa inilunsad na anti-drug operation sa lalawigan.
Nakilala ang nasawi na si Dong Banto Kasim,54 anyos,magsasaka at residente ng Barangay Upper Silling Buluan Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na naglunsad ng buybust operation ang pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit, Buluan MPS at 40th Infantry Battalion Philippine Army malapit sa tahanan ng suspek.
Ngunit nang I-abot na ni Kasim ang shabu sa asset ng pulisya ay agad nitong natunugan na mga otoridad ang kanyang ka-transaksyon.
Tumakbo ang suspek at nakipagbarilan sa mga pulis kaya itoy nasawi.
Narekober ng raiding team sa tahanan ng suspek ang isang M14 Rifle, isang M16 Armalite rifle, isang XR 150 na motorsiklo, mga bala, magazine ,isang malaking pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.
Ang suspek ay sangkot din sa robbery hold-up, gun for hire at pagnanakaw ng mga alagang hayop.
Tinanggi naman ng pamilya ni Kasim na itoy sangkot sa ibat-ibang krimen dahil isang ordinaryong magsasaka lang ito at miyembro ng isang Moro Fronts.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Buluan PNP sa Buluan Maguindanao may kinalaman sa madugong buybust operation