CAGAYAN DE ORO CITY – Patay sa ikinasang drug buy-bust operation ang isang drug personality sa Vamenta Subdivision, Barra Opol Misamis Oriental.

Kinilala ang suspek na si Miko Alinog alyas Mike Taba, nasa hustong gulang at suspek na kasong pagpatay.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) director Col Henry Dampal na napilitang makipagbarilan ang mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) at Opol Municipal Police Station nang manlaban ang suspek.

Sugatan din ang tatlong pulis sa naturang insidente.

Dagdag pa ni Dampal na si Alinog ang suspek sa pagpatay kay John Mark Lagumbay matapos mapagkamalang asset ng pulis sa Tangkongan , Pinikitan Barangay Camaman-an nitong lungsod sa nakaarang mga araw.