-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang kilabot ng drug dealer nang manlaban sa mga otoridad sa inilunsad na anti-drug operation sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Datu Ali Akmad Mopak alyas Kumander Pudzak at residente ng Barangay Angkayamat, Sultan Sabarongis, Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao police provincial director Col. Arnold Santiago na naglunsad ng anti-drug operation ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) 40th Infantry Battalion Philippine Army at pulisya.

Ngunit nanlaban si Mopak kaya napilitan ang mga otoridad na paputukan siya at nasawi.

Narekober sa posisyon ng suspek ang anim na pakete ng shabu, cellphone, isang kalibre .45 na pistola, mga drug paraphernalia at mga bala.

Si Mopak ay may dalawang warrant of arrest na kinabibilangan ng illegal drugs at illegal possession of firearms.

Kinompirma rin ni PDEA-BARMM Regional Director Juvinal Azurin na si Mopak ay sangkot sa large scale illegal drug trade sa Maguindanao, Sultan Kudarat at Tacurong City.