CENTRAL MINDANAO- Patay ang isang driver ng habal-habal na motorsiklo at sugatan ang sakay nitong estudyante sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Abil Buka Sambatuwa, 25 anyos, binata at nakatira sa Barangay Kitulaan Carmen North Cotabato.

Sugatan naman si Horhanie Yusop Sandigan, 18 anyos,estudyante at residente ng Sitio Mantawil Barangay Tacupan Carmen Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director,Colonel Maximo Layugan na habang sakay ang mga biktima sa motorsiklo na minamaneho ni Sambatuwa mula sa town proper sa bayan ng Carmen pauli na sa kanilang tahanan ngunit pagsapit nila sa Sitio Onse Barangay Tacupan Carmen Cotabato ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Carmen.

Patay on the spot si Sambatuwa na tinamaan sa kanyang ulo at likod habang naisugod naman sa pagamutan ang estudyante.

Posibling si Sambatuwa ang target ng mga suspek at nadamay lamang ang estudyante.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Carmen PNP sa pamamaril sa mga biktima.