-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Patay ang driver ng multicab habang sugatan naman ang maybahay nito makaraang araruhin ng trailer truck ang kanilang sasakyan sa national highway ng crossing Polonuling, Tupi, South cotabato.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal, kinilala ni Tupi PNP chief of Police Major Virlen Pampolina ang binawian ng buhay na si Amerodin Suib na residente ng nasbing bayan.

Habang ang misis nito ay patuloy na nagpapagaling dahil sa mga natamong galus sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Dagdag pa ni Pampolina,na patungong Koronadal City ang naturang multicab nang inararo ito ng trailer truck na papuntang General Santos City dahil bigla di umano itong lumiko.

Sa kasalukuyan nasa kostudiya na ng Tupi PNP ang drayber ng truck na kinilala kay Richard Tongaling na nahaharap sa kaukulang kaso na isasampa ng mga biktima.

-- Advertisement --