-- Advertisements --

Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa laban sa driver ng isang sasakyan na nakasagasa ng isang menor de edad na lalaking tumawid sa pedestrian lane na nangyari kahapon, Nobyembre 16, nang papasok na sana ito sa paaralan sa Basak lungsod ng Lapu-lapu.

Sa inilabas na pahayag ni PMaj Karen Bancoleta, sinabi nitong natukoy at nahanap na nila ang may-ari ng sasakyan sa pamamagitan ng beripikasyon ng Land Transportation Region VII.

Dagdag pa ni Bancoleta na inamin naman ng driver ang nagawang kasalanan.

Una rito, base sa kuhang CCTV footage, patawid na sa pedestrian lane ang estudyante si Cyril John Fuentes Pelayo,13 anyos at sumenyas pa ito sa mga dumadaang sasakyan nang bigla nalang itong nabangga ng isang sasakyan.

Matapos ang insidente, umalis din ang driver at nagpatuloy nalang sa paglalakad ang biktima.

Sa ngayon, hinihintay nalang ng pulisya ang resulta ng physical at medical examination ng estudyante.

Hinihintay na rin nila kung papayag bang makipag-ayos ang pamilya ni Pelayo sa driver ng sasakyan.