-- Advertisements --
image 47

Hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga kumpanya ng public utility vehicle (PUV) na sumunod sa mga batas at iba pang regulasyon na may kinalaman sa ligtas na pampublikong sasakyan.

Partikular na binalaan ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III ang mga transport companies laban sa pagde-deploy ng mga colorum vehicles.

Aniya, dapat nilang sundin ang mga batas at kung hindi naman ay kahaharapin nila ang mabibigat na multa at parusa.

Gayundin, ang ilang pribadong sasakyan na nagpapatakbo bilang for hire o “colorum” nang walang kaukulang awtoridad mula sa LTFRB, na ipinagbabawal din ng batas.

Inilabas ni Guadiz ang babala kasunod ng mga ulat ng labis na paniningil ng pamasahe ng ilang transport company.

Bukod sa mga pribadong sasakyan, tinukoy ng batas ang mga “colorum” na sasakyan bilang mga PUV na tumatakbo sa labas ng aprubadong ruta nito.

Binigyang diin ng LTFRB na P5,000 hanggang P15,000 ang maaaring ipataw na multa at ang pagkansela ng kanilang Certificate of Public Convenience o CPC.