-- Advertisements --

DAVAO CITY – Arestado ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Davao dahil sa pangingikil.

Kinilala ang suspect na si Roberto Dalagan LImboy, 45, may asawa at empleyado ng City Engineers office na may designation bilang driver at nakatira sa Venus Extention Crossing Bayabas Toril lungsod ng Dabaw, at nagpakilala sa alyas na Engr. Tommy.

Base sa impormasyon mula Davao city Police office, alas 8:45 nitong umaga ng Huwebes ng inilunsad nito ang isang entrapment operation na nagresulta sa pagka aresto kay Limboy sa harap ng isang shopping mall sa San Pedtro St nitong lungsod.

Nauna nang nag-reklamo si Engr Cirina Grace Catubig, acting City Bildg Official sa City Engineers office sa dakbayan sa Dabaw nong Pebrero 21, 2020 laban sa suspect matapos magpakilala na isang engineer at humihingi umano ng pera sa kanilang mga kliyente para sa pag-proseso ng Bldg. Occupancy permit.

Nakuha mula sa kanyang posisyon ang mga dokumento, marked money, P500.00 at P19,500.00 na “grease money na inilagay sa isang brown envelop.

Nasa kustodiya na ngayon ng DCPO ang suspect para sa pagsasampa ng mga kasong Robbery Extortion, Usurpation in Authority at violation sa Anti Graft and Corrupt practices.