TACLOBAN CITY — Hawak na ng mga otoridad ang driver ng isang government official sa Northern Samar na umano’y nanghalay sa isang 24 anyos na babae.

Kinilala ang suspek na si Roberto Espina, 47 anyos, driver ng isang board member sa Provincial Capitol ng Northern Samar.

Ayon kay Pol. Maj. Eddie Esidera, hepe ng Catarman Police Station, pumunta daw sa kanilang tanggapan ang biktima na si alyas Christina para ireklamo ang suspek na nanggasa daw sa kanya.

Nagpakilala daw ito bilang isang opisyal ng militar at pinangakuan siyang tutulungang makalabas ang kanyang nakakulong na asawa kapalit ng pakikipagtalik .

Agad namang nagsagawa ng entrapment operation ang mga kapulisan at ng mahuli ito ay nakuhaan pa ilegal na droga.

Mahaharap naman ng suspek sa kasong rape at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.