-- Advertisements --
Sinuspendi ng isang laro ng Golden State Warriors ang kanilang star player na si Draymond Green.
Kasunod ito sa insidenteng pagtapak niya sa dibdib ni Domantas Sabonis ng Sacramento Kings.
Naganap ang insidente sa Game 2 ng first round ng playoffs.
Dahil dito ay hindi makakapaglaro si Green sa Game 3 laban sa Kings sa araw ng Biyernes.
Una ng pinatalsik sa laro si Green dahil sa insidente.