-- Advertisements --

Bumalik sa paglalaro sa Golden State Warriors si Draymond Green.

Ayon sa kampo ng free-agent forward na pumayag na ito ng $100-milyon na apat na taon na mulin paglalaro sa Warriors.

Naglaro ng 11 seasons sa Warriors si Green at naging 2012 draft.

Naging free agent na lamang siya ng tanggihan niya ang $27.5 milyon na player options para sa 2023-24 season.

Ang 33-anyos na si Green ay four-time All-Star at nagwagi ng apat na NBA champions sa Warriors.

Tinanghal din siya bilang 2017 NBA Defensive Player of the Year at naging eight All-Defensive teams.

Ayon kay Warriors general manager Mike Dunleavy na ang pagkuha nila kay Green ay kanilang prioridad.