CAUAYAN CITY- Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isang tsuper ng tricycle matapos na masamsaman ng baril at bala sa Brgy. Dimalicu-licu, Palanan, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay si Fernando Caranguian, 56 anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng Dicabisagan West, Palanan, Isabela.

Nakatanggap ang Palanan Police Station ng impormasyon kaugnay sa isang tao na hinihinalang may dalang baril.

Agad nila itong tinugunan at nang makumpirma na totoo ang natanggap nilang impormasyon ay dinakip nila ang suspect.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang Caliber 45 at isang magazine na may sampung bala.

-- Advertisement --

Dinala na sa Palanan Police Station si Caranguian at ang mga nakumpiskang baril, mga baala at magazine para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.