-- Advertisements --
Hindi na pinaporma ng Bay Area Dragons ang San Miguel Beermen 94-92 para makapasok sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.
Bumida sa panalo ng Dragons si Andrew Nicholson na mayroong 42 points, 21 rebounds at apat na assists.
May tsansa pa sana na magwagi ang Beermen subalit nabigo ang mga ito na maipasok ang ilang mga freethrows.
Nagtala naman ng 28 points si CJ Perez habang mayroong 25 points si Devon Scott para sa Beermen.
Makakaharap ng Dragons ang Barangay Ginebra sa finals na magsisimula sa Disyembre 25.










