Pansamantalang sinuspinde ni Environment Sec. Roy Cimatu ang lahat ng dragon boat race activities sa Boracay kasunod ng insidenteng ikinamatay kamakailan ng 7 dragon boat paddlers.
Ayon kay Cimatu, na siya ring chairman ng Boracay Inter-Agency Task Force, ang naturang hakbang ay susi para masilip ang emergency protocols na ipinatutupad sa isla.
“We are temporarily suspending all dragon boat race activities in Boracay, including practice and training, until we have assessed their practice protocols,” ani Cimatu.
Nagpatawag din ng meeting sa Lunes ang kalihim para mapag-usapan at mapag-planuhan ng concerned agencies ang mga rekomendasyon bilang tugon sa insidente.
Una ng nagpaabot ng pakikiramay si Cimatu sa pamilya ng pitong miyembro ng Boracay Dragon Force na namatay matapos tumaob ang kanilang bangka sa gitna ng dagat.
Nabatid na nag-eensayo ang grupo para sa isang international competition sa Taiwan.