Binatikos ni dating Health Secretary at kasalukuyang Iloilo Rep. Janette Garin ang draft order na nagbabawal sa ilang kompanya na bumili ng kanilang sariling COVID-19 vaccines para sa kanilang mga empleyado.
Iginiit ni Garin na “mortal sin” ito at hindi dapat kinukonsidera dahil public health ang nakasalalay dito.
Ang dapat na gawin nga aniya sa ngayon ng pamahalaan ay maging inclusive pagdating sa pagbabakuna upang sa gayon ay makamit ang inaasam na herd immunity.
Kinuwestiyon ni Garin ang taong nasa likod ng draft order na ito.
Base sa naturang draft order, ire-review ng Department of Health at ng National Task Force Against COVID-19 ang lahat ng requests ng mga private firms sa pagbili ng bakuna upang sa gayon ay matiyak na ang mga private entities na makikibahagi sa kasunduan ay hindi releated sa tobacco industry, mga produktong sakot ng National Code of Marketing of Breastmilk Substitutes, Breastmilk Supplement at iba pang mga produkto na “in conflict” sa public health.
Naniniwala si Garin na posibleng mayroong mga anti-vaxxers sa inoculation program ng pamahalaan na nagnanais na siraan ang mga bakuna kontra COVID-19.
Kung tutuusin nga aniya, dapat maging bukas ang pamahalaan sa lahat ng mga contributions sa national vaccination program upang sa gayon karamihan sa mga Pilipino ay mabakunahan sa lalong madaling panahon.