-- Advertisements --
DPWH

Inumpisahan na ng Department of Public Works and Highways(DPWH) ang pag-aaral sa isinusulong nitong rightsizing.

Ang rightsizing ay isang programa kung saan aayusin ang mga posisyon o trabaho na maaaring nauulit lamang o halos kapareho ng ibang mga posisyon, kayat nauulit lamang ang trabaho.

Ayon kay Sr. Usec. Emil Sadain, Chairperson ng DPWH Overall Committee on Rightsizing, nagsagawa na sila ng ilang serye ng konsultasyon para sa mga posisyon na maaaring maaapektuhan sa nasabing programa.

Nais aniya ng pamunuan ng Public Works Department na maging maayos ang transition o pagbabago sa ilalim nito.

Sa oras aniya na matapos na ang rekomendasyon, isusumite na ng Kagawaran ang bago nitong organizational structure at staffing pattern sa Department of Budget and Management.

Maalalang sa naging State of the Nation Address ni PBBM ay tinukoy nito ang National Government Rightsizing Program na kasama sa prayoridad nitong maisulong bilang reporma sa burukrasya.