Nagsagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng coastal cleanup event sa kahabaan ng Manila Baywalk Dolomite Beach sa Lungsod ng Maynila.
Nakibahagi sa nasabing aktibidad ang mga volunteers at resident ng NCR.
Pinangunahan ni DPWH Environmental and Social Safeguards Division Chief Rosemarie B. del Rosario, na kumakatawan kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang cleanup activity na sumusuporta sa International Coastal Cleanup Day ngayong taon.
May kabuuang 80 sako ng basura ang nakolekta sa clean-up drive, mula sa single-use wrapper, bote, mga sachet, washed-out water hyacinth, at mga sanga ng puno.
Ang ginawang paglilinis sa nasabing lugar ay makakatulong upang mabawasan ang mga kalat at makabawas sa epekto nito sa kapaligiran at sa mismong ng Manila Bay.