LA UNION – Gumagawa na rin ng sariling alcohol ang DPWH-1st La Union Engineering District.

Sinabi sa Bombo Radyo La Union ni District Engineer Emil R. Ganaden, tatlo ang chemist sa kanilang opisina na gumagawa ngayon ng alcohol, sa mismong laboratoryo ng mga ito.

Katunayan ani Engr. Ganaden na ilang araw nang hindi umuuwi ang kanilang mga chemist para lamang makapag-produce ng maraming alcohol, na siyang gagamitin ng kanilang mga empleyado na nagsisilbing frontliners laban sa COVID 19.

Ito ang kanilang tugon sa problemang kinakaharap ngayon, ang kawalan ng supply ng alcohol na mabibili sa mga botika at department stores.

Dagdag pa ng opisyal na may mga finish products na sila at kung marami ang kanilang mapro-produce, posibleng mag-donate sila sa ibang frontliners.