Dapat tiyakin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang reclamation projects na kanilang gagampanan ay hindi matatamaan ng baha.
Partikular na sa mga agricultural areas tulad ng Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija.
Iginiit ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Public Works, kung saan itinalakay ang mga panukalang batas kasama ang tungkol sa flood control projects.
Aniya, maraming bansa at teritoryo ang nabisita niya tulad ng Netherlands, Singapore, Macau, Hong Kong at Dubai, na may mga reclamation projects, nguni’t hindi naman bumaha nang malala.
Dagdag niya, ang importante ay tama ang gawa ng mga nasabing proyekto, at ito ang kanilang babantayan.
Nakiusap si Padilla sa DPWH na sana matugunan ng mga proyekto tulad ng 60-km floodway ang problema ng pagbaha.