LEGAZPI CITY – Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga evacuees dahil sa Taal eruption sa Batangas.

Katunayan ayon kay DPWH Second District Engineering Office Spokesperson Don Asejo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakadalawang balik na ang pitong trucks ng ahensya upang magdeliver ng relief goods.

Paliwanag ng opisyal, ang mga food packs ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Bicol at ang DPWH ang nagpahiram ng mga trucks na nagdala ng mga ito.

Nagpadala rin ng water lorries na tutulong sa paglilinis ng mga pangunahing kalsada sa Batangas na nabalot ng makapal na abo.

Ilan sa mga kalsada ang halos hindi madaaanan kaya’t malaking tulong ang isinasagawang flashing na itutuloy hanggang sa hindi pa nakakauwi sa kani-kaniyang mga tahanan ang mga evacuees.

-- Advertisement --