OKLAHOMA CITY — Nagawa ni Russell Westbrook ang 12 sa kanyang 22 puntos sa fourth quarter at tinakasan ng Oklahoma City Thunder ang kanilang 13-point deficit sa huling pitong minuto para matalo ang Memphis Grizzlies, 99-95.

Nagdagdag ng 17 points at career-high 11 rebounds si Dennis Schroder, at may 13 points at 22 boards naman si Steven Adams para sa Thunder.

Dahil sa panalo ngayong araw, natuldukan ng Thunder ang kanilang four-game losing streak.