Maghahanda pa rin ang Department of Transportation (DOTr) ng plano na magbibigay ng kapangyarihan sa gobyerno sa maintenance and operation ng Metro Rail Transit Line (MRT) 3 at Light Rail Transit Line (LRT) 2.
Ito ay sa gitna ng patuloy nitong pagtanggap ng mga unsolicited proposal mula sa pribadong sektor.
Sinabi ni Timothy John Batan, DOTr Undersecretary for Planning and Project Development, na makikipag-ugnayan sila sa Asian Development Bank at International Finance Corp para sa terms of reference (TOR) para sa bundle contract ng MRT 3 at LRT 2.
Inaasahan ng ahensya ng gobyerno na matatapos ang Terms of reference para sa public-private partnership (PPP) project sa ikalawa o ikatlong quarter ng susunod na taon.
Ayon kay Batan, ang DOTr ay pinananatiling bukas ang mga opsyon nito para sa bidding para sa mga rail projects, tulad ng ginawa nito sa Ninoy Aquino International Airport rehabilitation project.
Sa mga hinihinging bid, iniimbitahan ng gobyerno ang mga kumpanya na tingnan ang isang proyekto sa pamamagitan ng mga parameter na ibibigay nito, kasama ang gastos at mga paraan kung saan kailangang patakbuhin ang isang imprastraktura.