-- Advertisements --
Naka-isolate na ngayon si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay batay sa inilabas na resulta ng kaniyang RT-PCR test kahapon.
Nakararanas umano ng mild symptoms ang kalihim at kasalukuyan nang naka-isolation.
Sa kabila nito ay patuloy naman ang trabaho ni Bautista at patuloy ding na nakikipag-ugnayan sa kaniyang mga tauhan.
Kung maalala nito lamang nakalipas na linggo ay sina DOJ Secretary Boying Remulla at Pangulong Bongbong Marcos ang tinamaan din ng COVID-19.