-- Advertisements --
Mahigpit na inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga rail operators na maghigpit sa pagsuot ng mga facemask habang sumasakay sa mga train.
Kasunod ito sa muling pagsipa ng kaso ng naitatalang COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na naabisuhan na nito ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), at Philippine National Railways (PNR) na sumunod sa ipinapatupad na pagsusuot ng face mask.
Agad aniya nilang isasailalim sa testing ang mga opisyal, kawain at tauhan ng mga rail sektor kapag nakaranas sila ng sintomas.