-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Department of Transportation (DOTr) ang akusasyon ni MANIBELA president Mar Valbuena na hindi nila binibigyang halaga ang mga kinakaharap na problema ng mga transport organizations.

Inakusahan kasi ng nasabing grupo si Transport Secretary Jaime Bautista na binalewala nito ang naunang pangako ng gobyerno na maisama ang transport sector sa pag-revisit ng 2017 Omnibus Franchising Guidelines ng DOTr.

Ayon sa ahensiya na noong nakaraang linggo ay nagsagawa na sila ng pulong sa mga PUV drivers at operators kasama ang ibang ahensiya gaya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB), at Office of Transportation Cooperatives (OTC).

Pagtitiyak nila na patas ang kanilang opisina sa pagpapatupad ng mga mandato batay sa Omnibus Franchising Guidelines.

Bukas aniya sila na magkaroon ng dialogo at pag-uusap sa mga transport group para malaman ang ibang mga hinaing nila.