-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagsasaayos ng Department of Transportation (DOTR) sa mga paliparan sa bansa.

Ayon kay DoTr Secretary Jaime Bautista, na ang hakbang ay para mas lalong maging komportable ang pagdating ng mga turista.

Mula ng mabuksan ang ekonomiya ng bansa matapos ang pananalasa ng COVID-19 ay gumagawa na ng hakbang ang gobyerno para mas lalong makaakit ng mga turista.

Ibinahagi naman ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang mga magagandang programa para sa mga turista.

Ilan sa mga dito ay ang pagpapagand ng mga tourist destination sa bansa.