-- Advertisements --
Padadamihin pa ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtatayo ng mga bike lanes at pedestrian lanes.
Ang nasabing hakbang ay napaloob sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Nakasaad kasi sa Chapter 12 ng nasabing plano na magbigay ng prioridad sa mga pedestrian at siklista ganun dina ng pagtatayo ng mga active mobility.
Ilan sa mga dito pagkakaroon ng malawak na sidewalks, paglalagay ng magkahiwalay na micro-mobility corridors gaya ng car-free zones at kalsada para lamang sa mga siklista.










