-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi binibitawan ng pamahalaan ang assets ng Ninoy Aquino International Airport (Naia) sa pribadong sektor kundi para lamang pangasiwaan ang operasyon.

Ibig sabihin mananatili pa rin sa pamahalaan ang assets ng paliparan subalit ang operasyon ay pangangasiwaan na ng pribadong sektor,

Ginawa ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang naturang paglilinaw matapos na sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ikinokonsidera ng bansa ang pagbibigay sa pribadong kompaniya ang pangangasiwa sa nasabing paliparan.

Aniya, nasa dalawang paliparan sa bansa ang sumasailalim sa isang arrangement kabilang dito ang Mactan-Cebu Airport and the Clark International Airport.

Una ng sinabi ng Pangulo na walang plano ang pamahalaan na isapribado ang NAIA na taliwas sa naging pahayag ni Bautista na nakikipag-ugnayan na ang gobyerni para ma-expedite ang privatization ng naturang paliparan.