Nanindigan ang Department of Transportation na hindi nito ititigil ang operasyon ng EDSA Bus Carousel.
Ito ay sa kabila ng mga pangangalampag ng ilang city bus operators sa panawagang alisin na ang EDSA bus carousel at ibalik na ang kanilang pre-pandemic routes.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na wala siyang nakikitang anumang rason para itigil ang operasyon ng EDSA Bus Carousel sa Metro Manila lalo na’t maganda ang serbisyong idinudulot nito sa ating mga kababayan.
Paliwanag pa ng kalihim, mahirap na rin daw ibalik ang dating sitwasyon ng mga bus sa EDSA dahil sa matinding trapikong idinudulot nito sa mga kalsada.
Kung maaalala, una nang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chair Teofilo Guadiz na sisikapin nitong matugunan ang mga hinaing ng mga bus operators hinggil sa nasabing isyu