-- Advertisements --

Agad na inaksyunan ng Department of Transportation (DOTr) ang reklamong naiparating sa kanilang opisina.

Ayon sa DOTr, na ang unang natanggap nilang reklamo ay ang ginagawang “cutting trip” ng mga pampasaherong jeep na biyaheng Pasay-Rotonda-Alabang via Service Road.

Kasama ng DOTr ang mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa nasabing operasyon.

Natikitan ang nahuling drayber at ito ay pinagbabayad ng multang P5,000 sa kaniyang unang offense dahil sa pag-cutting trip.

Patuloy ang panawagan nila sa mga mananakay na iparating sa kanilang opisina ang anumang reklamo laban sa mga pampasaherong sasakyan kaya nila inilunsad ang hotline na tatawagan na DOTr Commuters Hotline na 0920964-3687.