-- Advertisements --
image 231

Itinurn-over ng Department of Transportation (DOTr) at United Nations Development Programme – UNDP ang mga electric vehicles (EV), EV charging station, at iba pang transport equipment sa mga lokal na pamahalaan ng Pasig, Baguio, Santa Rosa at Iloilo.

Ito ay bilang bahagi ng promosyon ng mga ahensya ng low carbon urban transport systems sa Pilipinas.

Sa paglagda ng memorandum of agreement (MOA) para sa turnover, binigyang-diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang kahalagahan ng paggamit ng mga public utility vehicle ng low carbon transport sa pagbabawas ng carbon emissions at epekto ng climate change.

Sinabi ng transport chief na ang DOTr ay nakatuon sa pagtatatag ng transit-oriented development sa Pilipinas, na nakatutok sa low-carbon mobility.

Ang nasabing mga nakatanggap ng mga equipments ay lalahok sa mga feasibility study na gagamitin para sa pangangalap at pagsasaliksik ng mga low carbon transport system.

Isa sa mga pangunahing layunin ng Low carbon transport Project ay makamit ang pagbawas ng 69,103 tonelada ng greenhouse gases sa bansa.