Mahigpit ang paalala ng Department of Transportation (DOTr) sa mga nagpapatakbo ng kanilang bus augmentation program hinggil sa striktong pagsunod sa 5-minute fixed schedule ng pagpapasakay sa mga pasahero.

Ibig sabihin, puno man o hindi ang mga nasabing mga bus ay kailangan na itong bumiyahe para makapag-sakay at baba sa itinalagang loading and unloading drop-off points nito sa kahabaan ng EDSA.

May itinalagang lane sa EDSA ang DOTr para sa mga augment bus.

“Currently, southbound loading stations are at MRT3 North Ave. Station and Quezon Ave. Station, and unloading stations are at Ayala Station and Taft Station. Northbound loading stations are at MRT3 Taft Station and Ayala Station, and unloading stations are at Ayala Station, Quezon Ave. Station, and North Ave. Station.”

Ayon sa kagawaran, madadagdagan pa ang bilang ng babaan at sakayan ng bus augmentation sa mga susunod na linggo.

Alas-5:30 ng umaga ang unang biyahe ng mga naturang bus mula sa dalawang dulong istasyon. Alas-8:00 naman ang huling biyahe nito.

“Pursuant to LTFRB guidelines, the bus operators that have been service contracted by DOTr-MRT3 are grantees of Special Permits from the LTFRB for the eventual EDSA Carousel Route.”

“The bus operators are required under their Special Permit to observe health and safety measures, including 50% capacity loading, implementation of a “No Face Mask, No Ride” policy, temperature check of passenger prior to boarding, and regular disinfection during operations.”

Sa huling tala ng DOTr, nakapagsakay na raw ng 4,383 na pasahero ang kanilang programa na nagsisilbing alternatibo sa limitadong kapasidad ng MRT-3.