-- Advertisements --
Pinaghahandaan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Undas.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, na inaasahan nilang aabot sa 1.35 milyon na pasahero ang babiyahe patungo sa ibang bahagi ng bansa.
Nagsagawa na rin ito ng inspections sa NAIA Terminal 3 kung saan tinignan nito ang ilang makabagong kagamitan doon.
May mga bagong check-in kiosk, self bag-drop counters at bagong food hubs na maihahalintulad sa ibang bansa.
Naniniwala ang kalihim na handang-handa ang NAIA terminal 3 sa pagdating ng mga pasahero na babiyahe sa kanilang mga probinsiya.















