-- Advertisements --
Nakahanda ang Department of Transportation (DOTr) na ipatupad ang proposal ng National Economic and Development Authority (NEDA) na taasan hanggang 75 percent ang public transportation capacity.
Pagtitiyak ito ng DOTr sakali mang aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang naturang mungkahi ng NEDA.
Ipinauubaya na rin aniya nila sa IATF ang proposal ng NEDA bilang ito ang siyang primary agency na inatasang bumuo ng mga plano at patakaran sa panahon ng pandemya.
Sa oras na paboran ito ng IATF, sinabi ng DOTr na tiitiyakin nilang maipapatupad ang striktong health protocols sa lahat ng mga pampublikong sasakyan at pasilidad para matiyak na hindi magkakaroon ng hawaan ng COVID-19.