-- Advertisements --

Inihayag ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) nitong Linggo na maaaring bumaba ang presyo ng kada litro ng mga produktong petrolyo sakaling dumami ang mga electric vehicle sa mga kalsada sa bansa.

Ayon kay DOTr Executive Assistant to the Secretary Joni Gesmundo, hindi lamang environmental friendly ang mga e-vehicles, maaari rin itong maging potensyal na solusyon sa matagal nang problema ng mga motorista sa mataas na presyo ng gasolina.

Gayunpaman, sinabi ni Gesmundo na ang pagtulak para sa mas maraming e-vehicle sa bansa ay dapat na kontrolin, lalo na at maraming tao ang naiulat na naaksidente habang sakay ng mga unregulated na e-trike at e-bikes.

Nauna nang iniulat na ang pagbabawal sa mga tricycle, puscharts, pedicabs, kuligligs, e-bikes, e-trikes, at light e-vehicles sa nasa 20 national roads sa Metro Manila ay nagkabisa noong Lunes, Abril 15, 2024.

Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., gayunpaman, ay nag-utos ng palugit sa pagbabawal, kung saan ang mga lalabag ay hindi titicketan o pagmumultahin.