-- Advertisements --

Nag-imbita na ng mga contractor mula sa private sector ang Department of Transportation upang magpasa ng proposal nito para sa development at modernisasyon ng Laguindingan Airport sa lalawigan ng Misamis Oriental. 

Sa pahayag ng DOTr, kabilang ang Laguindingan International Airport sa infrastructure flagship projects ng national government para i-upgrade, expand, at i-operate ang airports sa ilalim ng public-private partnership program o PPP. 

Dahil dito, nanawagan na ang DOTr at Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa mga pribadong kumpanya para magpasa ng comparative proposals at lumahok sa comparative challenge process para pondohan, disenyuhan, at i-operate ang Laguindingan airport sa loob ng 30-year concession period. 

Kabilang sa plano ng pagpapaganda ng airport ang pagkakaroon ng new airlines para sa international flights, pagpapalaki ng kapasidad, at pagpapaunlad ng environmental at operational performance ng airport.

Inaasahan na sa oras na matapos ang pagpapaganda sa airport ay mapapaunlad din umano ang passenger experience at commercial services.