Positibo ang Department of Tourism (DOT) na mahihigitan nila ang kanilang target na 8.2 million international visitors ngayong 2019 sa harap ng halos double-digit, year-on-year growth mula Enero hanggang Mayo.
Sa unang limang buwan ng taon, nasa 3.4 million turista ang dumating sa bansa, o mas mataas ng 9.76 percent mula sa dating naitalang record sa kaparehas na period noong nakaraang taon.
Maituturing din na record-setting month ang May 2019 dahil dito naitala ang pinakamaraming tourist arrivals ayon sa DOT na aabot sa 621,719, o mas mataas ng 15.62 percent mula sa 537,743 arrivals noong Mayo 2018.
“This makes us optimistic that we will not only achieve the target growth for 2019 as dictated by the National Tourism Development Plan 2016-2022, but we will positively surpass 2018’s numbers—a landmark year for Philippine tourism,” saad ni DOT Assistant Secretary Roberto Alabado III.
Sinabi ng DOT na ang mga South Koreans ang nangunguna sa pinakamaraming bilang ng turistang bumisita sa bansa sa 788,530 mula Enero hanggang Mayo.
Pumapangalawa sa listahan ang Chinese tourists, sunod ang US at Japan.