-- Advertisements --

Dinaluhan ni Department of Tourism Secretary Cristina Frasco at ilang matataas na opisyal ang ika-502nd Kadaugan sa Mactan ngayong araw sa Mactan Brgy. Mactan na lungsod ng Lapu-lapu.

Binuksan ang selebrasyon sa pamamagitan ng flag raising at wreath laying ceremony dakong alas-7 ng umaga at sinundan ng reenactment ng Battle of Mactan.

Tampok din dito ang pagtatanghal ng 1000 Eskrimadors na layong makilala ng Guinness Book of World Records para sa kategoryang “Biggest Play of Eskrimadors.”

Samantala, maliban kay Frasco, dumalo din sa aktibidad ang ilan pang opisyal ng kagawaran, Consul general ng Japan na si Hideki Yamaji, Consul general ng South Korea na si Song Sewon, presidential assistant to the Visayas Undersecretary Terrence Calatrava at marami pang iba.

Sa kanyang mensahe, binati ni Frasco si Lapu-lapu City Mayor Junard Ahong Chan at ang mga lokal na opisyal na hindi nito pinahintulutan ang mga mamamayan ng Pilipinas na kalimutan ang pinakaunang bayaning Pilipino.

Hindi bababa naman sa 200 tauhan ng Philippine National Police ang naka-deploy sa lugar para magpatupad ng seguridad.