-- Advertisements --

Agad pinawi ni Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat ang isyung isa ito sa mga nasa gabinete ng Duterte administration na tatakbo sa senatorial race sa 2022 elections.

Ayon kay Puyat, nais niyang tapusin ang kaniyang panahon sa DoT, hanggang sa huling araw ng Hunyo sa susunod na taon.

Nabatid na bahagi ng proseso na kinakailangang magbitiw sa tungkulin ang isang opisyal sa oras na maghain ito ng certificate of candidacy (CoC) sa Commission on elections (Comelec).

Para sa kalihim, maraming mabibitin na trabaho kung magre-resign siya pagsapit ng Oktubre, lalo’t maraming aktibidad ng tourism sector ang naapektuhan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Giit pa nito, maaari namang makatulong sa ibang paraan, kahit hindi sumabak sa politika.