Nakatakdang ipresenta ni Tourism Secretary Christina Frasco sa Commission Meetings ng United Nations World Tourism Organization(UNWTO) ang ilang mga direksyon na gustong tunguhin ng Turismo sa Pilipinas.
Ito ay kasabay ng pagdalo ng kalihim ngayong araw sa nasabing pagpupulong na ginaganap sa Phnom Penh, Cambodia.
Ilan sa mga paksang nais ng kalihim na maipresenta sa nasabing pulong ay ang pagprotekta sa mga turista, pagbangon ng turismo, kasama na ang post-pandemic travel trend.
Nais rin ng kalihim na magkaroon pa ng mas aktibong role ang Pilipinas sa grobal tourism.
Matatapos naman bukas ang nasabing pulong.
Samantala, ang UNWTO ay ang ahensiya ng United Nations na responsable sa pagtagyod ng responsable, sustainable at accessible tourism sa buong mundo.
Ang Pilipinas ay isa sa mga founding members nito, nang maitatag noong 1975.