Binalaan ngayon ng Department of Tourism (DOT) ang mga turistang pinipeke ang kanilang COVID-19 swab test kasunod nang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga ito para matiyak ang striktong pagsunod sa health protocols sa local tourism.
Ginawa ng DOT ang babalang ito matapos na mapaulat ulit na mayroong mga turistang pinipeke ang resulta ng kanilang swab test at nagdaraos ng mga hindi pinapahintulutang pagtitipon-tipon sa mga tourist destinations.
Kasabay nito, nananawagan ang kagawaran sa kanilang mga partners sa tourism industry na mahigpit na ipatupad ang health at safety protocols para at palaging gawing prayoridad talaga ang kaligtasan ng mga guests, manggagawa, at host community.
Mahalagang magtulungan ang lahat ng sektor upang sa gayon ay matiyak din ang pagbangon ng tourism industry sa lalong madaling panahon.










