-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Puspusan na ang paghahanda ng Provincial Tourism Office sa inaasahang pagbubukas ng turismo sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Tourism Officer Dr. Troy Miano hindi lamang ang Ilagan ang naghahanda kundi maging ang buong lalawigan ng Isabela.

Aniya bagamat patuloy pa rin ang usapin ng COVID-19 ay kinakailangan nang buksan ang turismo para sa muling pag-angat ng ekonomiya ng lalawigan sa ilalim ng new normal alinsunod sa ibinabang minimum Health standard ng IATF.

Bukod sa Ilagan City ay wala pa umanong mga bayan sa Isabela ang inaasahang magbubukas ng kanilang turismo dahil puspusan pa pa rin ang ginagawang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito ay patuloy rin ang Isabela Provincial Tourism Office sa pag-iikot sa mga established tourism sites na maaring pasyalan ng mga local, national at foreign tourist sa hinaharap.