-- Advertisements --
Inilunsad ng Department of Tourism ang kauna-unahang Tourist Assistance Call Center.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco na layon nito ay para tulungan ang mga turista ganun din ay makakuha silang ng mga rekomendasyon sa magagandang lugar na maaring pasyalan nila.
Sa ngayon ay nasa 12 outsourced agents muna at plano nilang dagdagan ito sa mga susunod na mga buwan.
Sinanay ang mga ito sa salitang English at Tagalog at plano din ng kalihim na isanay sa ibang mga lenguwahe.
Ang Tourist Assistance Call Center ay may numerong 151-8687 at 63995835511 para sa mga landline.