Iniimbestigahan ng Department of Tourism (DOT) ang “Love the Philippines” campaign video nito matapos ituro ng mga netizens na gumamit umano ito ng “non-original shots” ng mga lokasyon sa labas ng bansa.
Base umano sa post ni Sass Sasot, isang blogger, ang tourism video na inilabas ay gumamit ng ilang stock video clips mula sa Storyblocks, isang subscription-based stock footage website, na hindi kinunan sa Pilipinas.
Sinabi ni Sasot na hindi bababa sa limang eksena ang kinunan sa ibang bansa: rice terraces (Bali, Indonesia); mangingisdang naghahagis ng lambat (Thailand); isang pampasaherong eroplano na papalapit sa runway (Zurich, Switzerland); tumatalon na mga dolphin (hindi natukoy na lokasyon ngunit hindi sa Pilipinas); and a person driving a vehicle on sand dunes (Dubai, United Arab Emirates).
Inihayag rin ng DOT na paulit-ulit itong humingi ng kumpirmasyon mula sa kinontratang ahensya sa orihinalidad at pagmamay-ari ng lahat ng materyales na ginamit sa video, at idinagdag na tiniyak ng DDB sa kagawaran na maayos ang lahat.
Nauna nang sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco sa na ang DOT ay gumastos ng ₱49 milyon sa “Love the Philippines” campaign at slogan.
Inilunsad ng DOT ang kanilang promotional video at bagong kampanya sa turismo noong Hunyo 27.