Nagpadala rin ang Department of Science and Technology (DOST) ng mga personnel na volunteers sa ilang pasilidad ng gobyerno para sa COVID-19 testing.
“There are forty (40) full-time personnel from the Department of Science and Technology (DOST) who are serving as volunteers in COVID-19 testing and mega swabbing facilities as of 20 May 2020.”
Ayon kay Science Sec. Fortunato de la Peña, may dalawang personnel mula Philippine Science High School – Eastern Visayas campus ang naka-deply sa Eastern Visayas Regional Medical Center.
Hanggang Agosto raw maninilbihan ang nasabing mga personnel bilang Quality Assurance Officer sa Testing Center at bilang Biosafety Officer.
Mayroon ding volunteers mula PSHS at Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na in-assign bilang swabbing assistants, specimen runner at usher sa Philippine Arena, na mega swabbing facility.
Habang 31 medical technologists ng FNRI ang nagsisilbing laboratory workers sa testing centers ng Philippine Red Cross sa Mandaluyong at Maynila.
Una nang nangako ang DOST nang pakikipagtulungan sa pamahalaan, kasabay ng paglalatag ng mga hakbang na makakatulong sa paglaban kontra COVID-19 pandemic.
Kabilang na rito ang clinical trials sa virgin coconut oil bilang agent sa pagkain ng ilang infected patients ng sakit.