MANILA – Lumagda ng kasunduan ang Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) ng Department of Science and Technology (DOST) at Light Rail Manila Corporation (LMRC) para mapalakas pa ang sistema ng LRT-1.
“Through the centre’s (MIRDC) capabilities for material characterization utilizing the areas of mechanical, chemical, and metallurgical analysis, the Center will be at the lead in the localization of spare parts,” ani DOST Sec. Fortunato de la Pena sa isang report.
Ayon sa kalihim, tutulungan ng DOST-MIRDC ang LRMC sa pagsasagawa ng structural repair sa mga bagon ng tren sa pamamgitan ng “Finite Element Analysis” (FEA).
Ang FEA ay isang paraan para masuri ang kapasidad at kung gaano katibay ang isang disenyo.
“The Advanced Manufacturing Center further adds to the DOST-MIRDC,” dagdag ng Science chief.
Ang LRMC, na isang pribadong kompanya, ang kasalukuyang operator ng LRT Line 1, na bumibiyahe mula Baclaran, Paranaque City hanggang Roosevelt sa Quezon City.
Ito ang may pangunahing responsibilidad sa pagtitiyak na dumadadaan sa structural repairs ang mga bagon ng LRT-1. Gayundin sa paghahanap ng mga importanteng spare parts ng tren.
Naniniwala ang DOST na magsisilbing hudyat din ang partnership nila ng LRMC para mabigyang pansin ang industriya ng metalworks sa Pilipinas.
“Research and development collaborations on energy recovery mechanisms and conservation technologies are possible offshoots of this partnership.”