DOST Sec. Fortunato dela Pena
IMAGE | DOST Sec. Fortunato dela Peña

Inatasan na raw ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Department of Science and Technology (DOST) na makipagtulungan sa ilang institusyon para sa development ng bakuna laban sa virus na nagdudulot ng COVID-19.

Sa isang panayam sinabi ni Science Sec. Fortunato dela Peña na may nakausap na ang technical working group ng IATF na representatives mula sa 11 kompanya sa bansa na nag-aaral at sumusubok na mag-develop ng bakuna.

Target dawsana ng ahensya na local pharmaceutical companies ang mag-manufacture ng posibleng vaccine na made-develop ng foreign institutions.

Una nang nakipag-ugnayan ang DOST sa ilang Chinese at Taiwanese institution para rin sa partnership sa paggawa ng bakuna laban sa SARS-CoV-2.

Sa ngayon ang nakikita lang daw na hamon ng kagawaran ay kung paano kukumbinsihin ang target foreign partners na magbigay ng manufacturing license sa mga local pharmaceutical companies.

Kabilang sa mga una nang nakausap ng DOST na institusyon mula sa China at Taiwan ay ang: Chinese Academy of Sciences, Sinopharm, Sinovac Biotech, Academia Sinica at AdImmune.